Questions

Answer

Paano ko malalaman kung ako ay pwedeng maging Gojo Delivery Partner?


  • Between 18-65 years old

  • Applicants aged 60 years old and above require a "fit to work" medical certification

  • Valid Professional Driver's License

  • Drug test clearance from an accredited Drug Testing Laboratory

  • Valid National Bureau of Investigation (NBI) background check clearance


Anu-ano ang mga kailangan ko i-submit?

  • OR/CR

  • Supporting Documents (if not registered owner)

    • Borrowed Motor: Original Authorization letter with a photocopy of the Valid ID of the owner with 3 specimen signature

    • Second-hand: Notarized Deed of Sale

    • Reacquired Motor: Repossession Certification or any Certificate from Dealer


Anu-ano ang device specification para madownload ang Gojo Driver App?

  • Android 8.0 and up

Para sa mga aming reklamo, saan kami pwede magpadala ng mensahe?

Anong model ng motor ang pwede sa delivery?

  • 2013 up to current, with at least 100cc engine

  • Any brand


Paano at saan pwede mag top-up?

Pwede mismo sa app o kaya sa Hirna Office, representative in-charge.

Paano i-troubleshoot ang Gojo Driver app?

  • Para sa mga Android Cell Phones, pumunta ng Settings, click ang Applications, hanapin ang Gojo App, click Storage tapos Clear Data. Pwede ding mag uninstall tapos reinstall.

  •  Para naman sa mga Apple Users/IOS Cellphones, pwede mag uninstall tapos reinstall.

Magkano ang pwede kong kitain sa Gojo Delivery?

Malaki ang pwede mong kitain! Ito ay depende sa iyong sipag at diskarte. 

Gaano katagal ang proseso para maging Gojo Delivery Partner?

Ang aming team ay sisikaping matapos ang pagproseso ng iying application sa loob ng 36 hanggang 60 oras.

May bayad ba para maging isang Gojo delivery partner?

Wala! Ngunit kailangan mong magbigay ng cash deposit o security bond depende sa iyong sasakyan:

  • Php 500 (for Motorcycles) or 

  • Php 1,000 (for MPV 200 kg, MPV 300 kg and MPV 600 kg) or 

  • Php 1,500 (for 1,000 kg light truck and 2,000 kg Light Truck) as Security Deposit.


Para saan ang Cash bond or Security deposit

Dito ikakaltas ang halagang kinakailangan mong bayaran para sa mga hindi inaasahang pangyayari katulad ng pagkawala o pagkasira ng mga bagay na iyong idedeliver. Ito ay mangyayari lamang kapag napatunayan na ikaw ang may pagkakasala sa pagkawala o pagkasira.


Ito ay pwede mong i-withdraw sa oras na gusto mo nang i-terminate ang iyong registration sa Gojo. 

Paano ko makukuha ang kita ko mula sa Gojo?

Para sa cashless transactions, ang lahat ng iyong kinita ay pwede mong ma-monitor sa iyong Gojo Cash Wallet. Ang halagang ito ay otomatikong ita-transfer ng aming team sa iyong bank account o Gcash araw-araw.

Magkano ang ibabawas ng Gojo sa aking kinita?

15% ng delivery fee. Pasa sa cash transactions, ang halagang ito ay ibabawas sa balanse ng iyong credit wallet. Para naman sa lahat ng cashless transactions, ito ay ibabawas sa halagang matatanggap mo sa iyong cash wallet.

Kailangan bang may laman ang aking credit wallet?

Oo. Upang ikaw ay makatanggap ng booking or order na ang pamamaraan ng pagbabayad ay cash, kailangan mayroon kang at least P100 sa iyong credit wallet.

Paano mag top up?

Maari kang mag top up ng iyong credit wallet sa pamamagitan ng Gcash or sa pag-transfer mula sa iyong cash wallet.

May charge ba ang pag top up?

Ang charge ay depende sa ginamit mong paraan ng pag top up. Kung ikaw ay mag transfer mula sa iyong cash wallet, papunta sa credit wallet, ito ay FREE. Subalit mayroong maliit na charge, 2% ng halagan ng top up kung gagamit ka ng Gcash.